PASKO 2010

"PASKO 2010"

Celebrate Christmas, Celebrate Birth.

Linggo, Abril 5, 2009

Paningin..........




isang biyaya ang pagkakaroon ng isang kompletong parte ng katawan, lalo na't mainam kung ito'y maayos at gumaganang lahat......
mahirap maging bulag dahil madilim, walang makita at walang kakulay kulay kundi dilim, dilim na nagbibigay takot sa lahat. ngunit dahil sa dilim na bumabalot sa mga kapatid nating di nakakakita ito'y nagbibigay lalo sa ilan upang lumaban sa pagsubok ng buhay na kanilang nararanasan. ang ilan sa kanila'y patuloy na naghahanap buhay para sa pamilya maski na sa hirap ng kanilang kalagayan pinipilit nilang magkaroon ng kulay maski sa paraang pag gawa lamang, hindi man nila nakikita ang mga bagay bagay sa mundo nakikita naman sila ng mga tao bilang mga nilalang na nag bibigay inspirasyon sa karamihan. nangangahulugan lamang na hindi hadlang ang kapansanan upang huminto sa buhay bagkos ito'y labanan upang buhay ay tuloy tuloy lamang. ang pag asa at pag unlad ay nasa ating sariling pagsisikap nakaya nga ng may mga kapansanan ikaw pa kayang kompleto? wag nating sayangin kung anong meron tayo, paunlarin ito sa pamamagitan ng pagkilos at pagawa ng mga mabubuting bagay.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento