PASKO 2010

"PASKO 2010"

Celebrate Christmas, Celebrate Birth.

Sabado, Hunyo 27, 2009

baliw (crazy)

sabi nila masarap mabuhay, maganda ang buhay at makulay ang buhay, tama naman yun, sumasangayun ako sa paniniwalang aking nabanggit.

ngunit bakit may mga kapatid tayong may kakulangan sa isip o kilala sa tawag na sira ulo o kaya naman baliw, kung saan sila'y kinukutya at pinagtatawanan ng mga taong mapaghusga at walang pang unawa dahil sa mga di normal na kanilang ginagawa tulad ng pagkain ng mga basura, pag kausap sa mga bagay at sarili, paminsan minsan panga'y pumapatol sa mga batang mapang api na.

ano nga ba ang mga dahilan bakit sila nga kaganit?, bakit sila pinabayaan?
ito ay epekto ng kawalang pag asa sa buhay dahil sa kahirapan at mga problema ng isang nilalang isa na dito ang problema sa pamilya, na kung saan pag pamilya'y naguho maaaring pagmamahal ay di muna maramdaman.

ano ba ang dapat gawin ng bawat isa?
kinakailangan nating bigyan at iparamdam ang pag mamahal sa bawat isa lalo't higit sa panahon kung saan kailangan nya kayo bilang kaibigan, kapatid, anak, magulang at minamahal sa buhay.


ang tunay na pag mamahal sa isang tao ay di masusukat sa normal na pagkakataon, Bagkos masusubok ito sa mga pambihirang pagkakataon na kung saan dumi at kahihiyan ay kaya nyang yakapin para isang tao.