PASKO 2010

"PASKO 2010"

Celebrate Christmas, Celebrate Birth.

Martes, Marso 31, 2009

salot KA!

Sino ba ang tunay na may sala? sino ba ang may kagagawan ng kahayupang bagay na ito? sino bang corrupt? at sino ba ang tunay na salot ng ating lipunan?

wag na tayong mag sisihan pa! at wag nang magbintang pa. tanungin na lang natin ang ating mga sarili, ano bang nagawa ko sa kapwa ko? ano bang naitulong ko sa kanila? may aksyon ba akong ginawa para mahinto problema sa basura na nag eepekto ng malawakang baha? saan ba ako nagtatapon ng sarili kong mga basura, tama bang lalagyan? hindi ko ba inabuso ang oras at panahon kailan man? naging tapat ba ako sa kapwa tao ko?

bilang ako may karapatan kaya akong magsabi na salot ka!?

halaga


masaya kapag may pamilya, lalo na kapag nadyan si tatay at si nanay... mahirap mang tanggapin at unawain ang tunay na diwa ng tunay na halaga ng isang pamilya ay unti unti ng nawawala dahil sa mga bagay bagay na makamundo. mahirap maging magulang maski di ko pa nararanasan ngunit mahirap ding maging anak ng magulang na di iisa at may ibang gusto sa buhay. sana ating pag isipan na ang pagpapamilya ay isang hindi birong desisyon kundi ito'y isang pag aalay ng buo mong pagkatao at buhay. wag na nating hintayin pa ang pagkakawatak ng tadhana ng bawat pamilya natin, kumilos na at gawin lahat lahat ng magagawa upang maayos at mabago ang mali sa bawat isa sa atin...............
ang pamilya ay sumasalamin sa nagkakaisang bayan! yan ang tunay na halaga at yamang sanay maipagmalaki nating mga Pilipino ..

Linggo, Marso 8, 2009

Media"!

media is the most powerful tool to broadcast information through television radio and also print and internet but because of globalization media abused the technology we had. sana sa paglipas ng panahon ay wag nating makalimutan na ang media ay isang paraan o instrumento para tayo'y matuto at hindi maging dahilan ng pagbagsak ng ating puri, dangal at kaalaman..

"bayan mo ibangon mo!"